20 November 2008

LITTLE MISS (The Awards Edition)

Hear ye! hear ye!
Since for the record mostly na nakapost dito ay tungkol sa sarili ko, kailangan namang bigyang pugay ang mga taong nakapalibot sa akin. At least, I have to give it to them. Sila iyong mga taong gumagawa ng araw ko. Sumisira at nagpapakaganda ng mga araw. Mula pagmulat hanggang sa pagtulog. Ang mga taong, kahit papano, ay nakakakilala kung sino ako.
Kaya I give you the best of the best. The cream of the crop. (Part I)
LIttle MIss almost PErfect: MAC-MAC
Siyempre, hindi puwede ang perfect. Almost nalang. She almost had it all. Not because biased lang talaga ako but because of a thousand and one reasons. At kung i-try ko i-enumerate hindi kakasya. She has her way of making me sway to her demands and making me laugh during my most emo time.
LItTLe Miss GrOwEE: IA
HIndi ko alam kung may itatangkad pa siya. Sana naman, wala na. Ayoko lang magmukhang 'nano kapag kasama ko siya. Unbelievable ang mga tantrums na hindi ko alam kung papano niya napapanagutan. Pero I always believed in her. Always. At sana kasingkontento ko rin siya sa buhay.
LIttLE mISs JOhnSons & JoHnsons: SHANE
Budgeted ito. Siya iyong hindi nabubuhay kung hindi nagpupulbo. May supply always ng face powder. Sana konting inch pa sa height. Pero okay na ring hindi. Masayang kasama. Nakakatakot ang tawa. At may hawak ng world record sa pagpunta sa CR during class hours.
LiTTle MIsS MIsUNdeRStooD: RAT
Siya ang taong pinangingilagan. Hindi dahil physically incapacitated siya. Pero dahil lumelevel sa mga kontrabida sa TV. Pero for the longest time na nakasama ko siya, siya na siguro ang pinaka- transparent na taong nakilala ko. And, I value her for that and a lot more.
LiTTLe MIsS emO: PIE
Siya sobra ang swing ng emotions. One time, sobrang saya, next thing you know, umeemote na. Kailan ko lang naaappreciate ang value niya. Ang dami niya kasing tulong na ibinigay...haha. Taga- sagip sa exams. Tutor. Kasama sa kabulastugan. Sa lahat ng tripping. At higit sa lahat, kasama kong delayed!
LIttLE MiSs Clasmeyt-4-lyF: CHIKI
Don't cha judge me, madah-fackah asshole! Shit you! Almost ganito tripping niya. Hindi ko rin alam bakit. Sa frndstr, sa blog sa journal! Kaklase ko mula gradeschool hanggang college. Ay hindi pala highschool! Kasama ko ring bumabagsak.
LiTTle MisS SunShiNE: ... ;)
Ayokong mag- elaborate. The tag says it all!
Eto, muna... abangan ang susunod pang kabanata!

No comments:

Post a Comment