Unang linggo ng Mayo nang dumating ang tatay mula sa isang taong pagsakay sa barko. Oo, seaman ang ama ko. Sa mga may kapamilyang seaman, ang pag-uwi nila ang pinakamasaya. Siguro dahil, maraming pasalubong, maraming balato, maraming perang nauwi pambili ng luho. Pero sa ilang taong pag- abang sa airport sa pag umuwi ng tatay, natuto na rin ako. Hindi na ako umaasa sa pasalubong. Hindi na ako masaya pag may uwi siyang chocolate dahil alam kong sa Duty Free lang iyon sa airport sa Maynila niya binili. Hindi na rin ako nasisiyahan sa mga uwi niyang damit. Hindi naman nagkakasya sa akin. Palagi naman kasing malaki ang size ng damit na pasalubong niya sa akin. Akala siguro niya gaya na ako sa kanya ngayong malaki ang tiyan. Sa mga pinsan kong dambuhala tuloy napupunta ang mga damit. Naiinsulto na rin ako pag may uwi siyang laruan. Bente anyos na ako, inuuwian pa rin ako ng remote controlled helicopter? Hindi naman sa hindi ko naaapreciate pero makakatulong ba sa pag- unlad ng kinabukasan ko ang isang laruang helicopter? Kaya ngayong nakauwi na si tatay, hindi na ako umasa ng kahit ano.
Isa pang inakainis ko pag-umuwi ang tatay, ay ang dami ng kapamilya naming nakaabang sa bahay. Kung baga blockbuster ang pag- uwi niya. Ang iba nga hindi ko pa kilala, tita ko daw. Pag gabi na, hindi matigil- tigil ang inuman. Bumabaha ng pulutan at inumin. Ewan ko kung anong ginhawa binibigay sa kanila ng pag- iinom liban sa pagkasira ng kidney mo. Nagiging beer house ang bahay, ang masama nagiging waiter ako. Pero ngayon, naka- formulate na ako ng sariling modus operandi. Pinapalabas ko kasi ang aming alagang pitbull at tinatali sa gate. O sige, tagay na! matira, matibay! Tingnan ko lang kung hindi pa kayo maunahan ng hangover.
Sabi ko nga pag nakauwi ang isang seaman, maraming pera. Oo nga, madami, pero mga 70% nun napupunta sa balato, masuwerte ka na pag may natira sa iyo. Hindi ako nag-eexagerate. Parang kakandidato ang tatay wala namang eleksiyon. Kung bakit kasi nauso pa ang mga inaanak (binyag, kumpirma, kasal, minsan sa sugal pa). At dahil malaki ang pamilya namin, ang bawat isang pumunta sa bahay ay may baon pag-uwi. Ayos din naman ang mga ito, ginawa pa kaming ATM machine. Pero tulad ng iba, solve ko na rin ang problemang ito. Pagkadating pa lang ng tatay sa airport, mangungulit na akong dumiretso sa mall. Siyempre para hindi na ako hahantong sa tira- tira.
Ewan ko kung tatay ko lang ang may addiction sa sabong. Pero para namang hindi. Kasi kung minsan mas alaga pa ang mga panabong kaysa sa amin. Akalain mong mas mahal pa ang vitamins ng mga manok kesa amin! Kung sabagay mas may silbi naman ang vitamins sa panabong kesa akin.
Nagtatanong siguro kayo kung bakit ko sinusulat ‘to. Para ko na rin kasing dinedegrade ang tatay ko. Pero alam ko hindi, nagpupuna, Oo. Siguro nga nakakaluwag kami kumpara sa marami. Pero kung pagpipiliin ako ng tatay. Ayoko ng seaman. Hindi dahil hindi ko gusto ang propesyon ng tatay. Ang pangit kasi ng feeling na Family Day nga sa skul, wala ang tatay mo. Na sa iisang tawag niya sa isang buwan ay magkandabangga- bangga ka na sa hangaring makausap siya. Hindi mo maiiwasang isipin na sana sa pag- uwi ni tatay huwag nalang siyang bumalik. Pero masakit dahil mangingibang- bansa pa rin siya dahil kailangan. O siguro nga KSP lang ako, dahil lumaki akong wala si tatay. Ayoko ng pasalubong niya dahil hindi naman nauuwi sa akin, ayoko ng maingay na bahay dahil madaming manginginom, ayoko sa mga panabong at pagsasabong niya. Higit sa anupaman ayokong umalis siya dahil kailangan ko lang ng atensiyon kahit man lang minsan