Ang hirap nang mag- Ingles. Mina- migraine ako kaya tagalog muna para wala masyadong effort. Hindi pa naman ako nakakain kanina kaya pihadong hindi gagana ang kakarampot kong vocabulary.
Siguro nga mahal talaga ako ni Lord. Kakatapos lang ng sem. Siyempre ayoko munang tingnan ang mga grades ko dahil most probably may nabagsak na naman akong subject. Pero ang mga hinayupak kong klasmeyt. Isang araw palang natapos ang finals walang tigil na sa kakangawa ng mga grades nila. Siyempre kailangan kong i- update ang sarili ko para may sagot ako 'pag tinanong nila ako kung saka- sakali.
Alam niyo ba na 'etong sem lang na'to ang tanging sem na wala akong 4 o binagsak man lang. Hay, pinagpapala talaga ni Lord ang mga mababait. Akalain mong Stat 101 at Organic chem. napasa ko. At, take note, (get your pen and paper) hindi tres. Siguro, suyang- suya kayo dahil Introduction to Statistics lang nahihirapan pa ako. Na- constipate kaya ako nang magsaboy si Lord ng talino sa Math.
Pero siyempre kahit 'pano nag- effort ako. Mahirap kaya magkandaduling- duling makita lang ang answers ng katabi mo sa exam. Ang hirap kayang mag- convince ng klasmeyts na pakopyahin ka ng lab. report at Case studies. At higit sa lahat, matinding guts kaya ang kelangan magpabalik- balik sa office ng professor mo para tanungin lang kung kaya pa ng standing ko na ipasa ang subject. Otherwise, kailangan nang mag- drop.
Pero kasi ayoko ko na talagang magtagal pa sa college. Alam ko nang hindi ako ga-gradweyt on time, kaya might as well, go with the flow at ipasa hanggang kaya ang mga kelangan sa skul. Pero masaya rin pala ang feeling na unblemished ang records mo kahit isang sem. lang. Siyempre ngayon lang ako naka- relate sa mga classmates ko.
Sana ganito na rin sa susunod na semester. Pero kasi may Biochem at Physics. Matindi- tinding buwelo siguro ang kailangan. Hay, Lord sana ipunin mo pa rin ang blessings para sakin next sem. Nang maka-gradweyt na at umalis na sa letseng skul na'to.
Pero hindi pa rin buo ang saya ko ngayon. Nakikipag- deal pa rin ako sa mga bitches. Pero hindi ko kailangang magpaapekto. Hindi sila worth aksayahan ng panahon. 'Alang kwenta naman kung pumatol pa. Okay lang kahit may bitches basta ba papasa lang ako. Walang kaso. Kahit palibutan pa ako ng 'sangkaterbang bitches. Pasensya, inis lang.
'Pag kapalaran talaga ang nagdikta. Lord, salamat ha!
No comments:
Post a Comment