17 September 2008

Alang kwenta ito!

Sobrang tagal ko nang hindi naka-post. Two months! Ganun ako ka- buro for 2 months. Buro sa school, bahay, activities, thesis, at... ahmm, love? shyeeeet!
Joke lang, walang lovelife. Ayoko ko na, natuto na ako! naks. Wala lang talaga akong maisulat kaya kung anu- ano nalang kahit walang sense.
Ay, 20 na nga pala ako. Imagine, 20 years of existence sa mundong ibabaw. Siguro marami na rin akong na- accomplish para sa sarili at mga mahal ko. Eto, na naman tayo sa mga mahal na 'yan. Pero totoo, ang dami na. Hindi ko lang mabilang or baka nakalimutan ko na sa sobrang dami.
Isang sem nalang, graduate na ako. But I'm not looking forward to it, supposedly ga-graduate lang naman ako. May isang sem pa akong extension. Pero I'm not at all affected. Sa hinaba- haba ba naman ng litanya ng magulang ko sa akin, iisipin ko pa ba iyon.
Iyon siguro ang the best sa parents ko. They never directly pressured me. Iyong tipong gawin ko lang makakaya ko, okay na. But, not to say, hindi rin naman ako nagsisipag. Effort rin naman on my side.
Ngayon, sinisikap ko nalang mapasa lahat ng subjects ko. Nahihiya rin naman ako kung sumobra pa ng isang sem ang extension ko.
Katatapos lang din ng sportsfest namin. As usual talo kami. Pero it was an experience pa rin. Masaya kahit talunan.
After ng sportsfest, balik naman sa thesis at klase. Speaking of thesis, ilang beses na ba akong nagpalit ng topic sa thesis. Mula biodiesel from microalgae to bivalve hatchery. Balik naman ako sa microalgae for mass production. Ngayon, production of bioethanol from microalgae. Lahat nito, funded sana. At pressure dahil malaking projects. Lagi ngang sinasabi ng adviser ko, don't think this is a requirement to graduate, think of this as your contribution to science. Dagdag pressure ulit. Pero alam ko kaya ko.
Notice nyo, cono ang text ko. Hindi ako feeler. For a change lang. Pero the next time na mag- post ako may sense na. Para may kwenta naman basahin.

No comments:

Post a Comment