Nov4. CAS Building. Math Faculty Room.
'Eto na 'yon. Nakuha ko na results ng exam. Ang kaisa- isang exam na makapagspell- out ng graduation ko. Excited ako, feeling ko ipapasa na ako ng teacher ko. Pero sa minsanang pagkakataon, itinakda siguro ni Bathala at nagsanib- puwersa ang lahat ng Diyos at Diyosa na hindi ako ipasa. Hindi pa puwede sabi ni Lord. Kaya 'eto, naglulunoy sa kaalamang hindi gragradweyt at mae- extend ang buhay sa kolehiyo.
Pero, expected na ito. Ganun lang talaga ako ka- optimistic na kahit pa baliktarin ang mundo feeling ko papasa ako. Umaasa pa rin naman ako sa tsamba. Sa swerte. sa grasya. Problema, nashort circuit siguro lahat sila at hindi nakaabot sa akin. Mas problema, sumabog pa!
Sina ba kasi ang letseng nakaimbento ng Math na 'yan? Sino ba kasi ang gagong nakadiskubre ng Calculus? Mula Integrals, Derivatives, Related Rates at sangkatutak na Theorems. Lunod na lunod ako sa numero. Kailangan ko ba lahat ng iyan pag nakatapos na ako? Magagamit ko ba iyan sa trabaho at sa buhay ko? Tama na 'yong alam mo ang basics. Addition, subtraction, multiplication, division. Feeling ko naman normal na ang buhay kapag alam mo ang apat na ito. Bakit kailangan pang pahirapan at dumugo ang ilong?
Kasi nga, na-constipate ako nang magsaboy si Lord ng talino sa Math. Nang makalabas ako, hindi ko na naabutan. Ewan ko kung bakit, pero dyslexic siguro ako sa numero. HIndi ko talaga maintindihan ang mga iyan. HIndi uubra sakin ang isang gabing aral sa math. Kahit nga isang linggo pa!
Hindi ako ga- gradweyt. Masinsinang usapan naman ito kasama si tatay. Sa akin, tanggap ko na. Nag- emo kaunti, then okay na. Mga 5. minutes lang, poof! Seryoso, hindi ko alam kung paano sasabihin sa tatay ko. Alam ko kahit sabihin niyang okay, masakit pa rin. Isipin mong unico hijo at panganay niya, hindi ga- gradweyt. Pero alam ko maiintindihan niya. Alam ko rin siya ang unang uunawa at magpapagaan ng loob ko. Pasensiya nalang, kung na- short ako konti.
Ganito pala feeling! Pero hindi ako frustrated, disappointed siguro. Never frustrated. Mabuti nalang andito pamilya ko. Okay na rin ako. Running joke na nga rin sa bahay. Kahit mabigat, nakikisakay. Ano pa nga ba magagawa ko? Haaaaayyyy buhay...
Masaya sa bahay. Magpa- party ang nanay. Nagtawag ng kapitbahay. May sound system. Naghanda ng marami. Saya. Sobrang saya. AS in super- ultra- mega- saya. Saya. Sa sobrang saya tumutulo luha ko!
No comments:
Post a Comment